September 4th, 2005

welcome!

this blog features my story entitled "SIYA NA BA?". hehe. i'll be posting the chapters from time to time. feel free to leave a comment. thanks!

NOTE: di ko po story yan. hehe. pero some characters are based from real people but i just changed their names.

FICTION IS INSPIRED BY REAL LIFE.

Posted by _t1ff4ny_ at 05:08 PM as a stickied post | ideas?

September 8th, 2005

chapter 6

CHAPTER 6

 

 

*Trish

*Miko

*James

 

*Sir Alfie

Ang ganda ng sulat niya! As in! Talo pa ako. Nakakainggit siya! Perfect ata ‘tong taong ‘to eh! Pero ngayon ko pa lang siya nakilala kaya di ko rin masasabi.

 

 

“Miss Villanueva, wag mong sabihing naiinlab ka naman ngayon sa ballpen ni Mr. Gonzales?!”

 

 

“Nyay! Hindi poh noh!”

 

 

Ayan na naman. Pahiya na naman ako. Makapagsulat na nga lang! Ngii! Ang haba na ng nasusulat ni Sir! Nasusulat ko pa lang eh “class schedule”. Nice.

 

 

Sa wakas natapos na rin. Sumakit kamay ko dun ah! Oh well. Kalabitin ko kaya ‘to at magpamasahe ulit ako? Ngek! Yoko nga. Kakahiya noh!

 

 

“We will now discuss the rules and regulations of the school.”

 

 

Ayan na naman yang rules and regulations na yan. Lagi nalang. Nakakabagot! Makapagdrawing na nga lang.

 

 

“Ang galing mo namang magdrawing ng baboy.”

 

 

“Ha? Ah, salamat.”

 

 

Teka lang, anong sabi niya?! Baboy?! Bear kaya ‘to! Ano ba yan. Ok na rin siguro yun. Nagbigay naman siya ng compliment eh. Sana wag munang matapos ang araw.

 

 

RING!!!

 

 

Anak ng tokwa naman oh! Kasasabi ko lang na wag munang matapos ang araw tapos nagbell naman na kaagad! Asar talaga! Di bale, halos 1 year din kaming magkakasama ni James. Ok na rin yun!

 

 

“Hoy Trish! Tara na!”

 

 

“Sandali lang po Prinsipe Miko! Andyan na po! Atat ka masyado eh!”

 

 

“Bagal mo talaga! Pasalamat ka pinagtiyatiyagaan ka pa nitong gwapong bestfriend mo.”

 

 

“Ang feeling mo!!!”

 

 

“Tara na kasi! Tol, gusto mong sumabay?”

 

 

Oo nga noh?! Saan kaya siya nakatira? Sana malapit lang.

 
Posted by _t1ff4ny_ at 05:45 PM | ideas?

chapter 5

CHAPTER 5

 

 

*Trish

*Miko

*James

*Sir Alfie

*iv-d

 

 

“Hey Trish, ok ka lang ba?”

 

 

Parang kilala ko yung boses na yun ah. Parang si… si James?!

 

 

“Ha?! Ah…eh…actually hindi eh. Sumakit kasi yung ulo ko.”

 

 

“Ganun ba?! Gusto mo imassage ko? Magaling akong magmasahe.”

 

 

What?! Imamassage niya ulo ko?! Gusto ko yan!!! Teka, kelangan magpakipot muna. Hehe.

 

 

“Di, ok lang. Nakakahiya eh.”

 

 

“Wala yun. Kaw pa?!”

 

 

“Wag na talaga. Nakaka – ”

 

 

Di ko na natapos yung sinasabi ko. Tumayo na kasi siya at minassage yung ulo ko. Haaay… ang sarap. Magaling nga siya. Siguro siya na yung pinakagwapong masahistang nakilala ko!

 

 

“Ehem!”

 

 

Nagulat kami kay Miko. Tinigil na ni James yung pagmamassage sa ulo ko at umupo na siya. BITIN!!!

 

 

“Nawala na ba yung sakit?”

 

 

“Ah oo. Salamat talaga. Nakakahiya naman sayo.”

 

 

“Wala yun.” sabay ngiti.

 

 

James Isaac Gonzales mahal na ata kita! Ang gwapo mo kasi eh! Ang bait mo pa! Haaay. Ikaw na ba ang aking Mr. Right?! Tama na nga! Dumating na pala si Sir. Baka kung ano na namang kalokohan ang magawa ko kakadaydream.

 

 

“Class, sorry I’m late. I had to do something eh. By the way, I’ll write your class schedule on the board so please copy.”

 

 

“Yes sir.”

 

 

Kanya-kanyang kopya na. Napatingin ako sa notebook ni James. Isa lang ang masasabi ko.

Posted by _t1ff4ny_ at 05:41 PM | ideas?

September 4th, 2005

chapter 4

*Trish

*Miko

*James

*Casey Aguilar - classmate nina Trish at friend niya.

Naglakad na kami pabalik ng room. Habang naglalakad, kwentuhan pa rin sila ng kuwentuhan. Pag napapatingin ako kay James, parang kinikilig ako.  Pag nahuhuli naman niya akong nakatingin sa kanya, umiiwas na lang ako ng tingin. Ewan ko ba kung bakit naiilang ako pag nagkakaroon kami ng eye contact. Crush ko na ba siya?! Siguro nga. Basta isang bagay lang ang sigurado ako. Gwapo siya!

 

“Miko Ocampo! Mahal kita!” sabay takbo palayo.

 

Sino yun?! Ah. Lower batch. Tindi ng kamandag nitong si Miko ah! Hindi. Tanga lang ung girl. Hehe.

 

“Oi pare! I love you daw! Sagutin mo naman!”

 

“Hi fan!”

 

Aba! Marunong din palang humirit tong si James! Corny nga lang. Pero ok lang. Ibig sabihin nun ‘di siya boring kausap. Hay. Ang gwapo niya talaga! Cool pa!  Yung mga hinahanap kong qualities…

 

BAM!!

 

“Aray!”

 

Ansakit nun! Di ko napansin yung fire extinguisher kaya tumama ako! Langya! Ang engot mo talaga Trish! Nakakahiya! Ang dami palang nakakita! Dyahe naman!

 

“Oh best, anong nangyare sayo?!”

 

“Nauntog ako sa fire extinguisher! Bwisit!”

 

“Bwahahahahahahahahahahahaha! Tatanga-tanga kasi eh! Yan tuloy! Wahahahahahahahahahahaha!”

 

“Ang yabang mo talaga! Nakakainis ka!” sabay lakad palayo.

 

Napatingin ako sa likod. Andun pa rin silang dalawa. Tawa pa rin ng tawa si Miko. Asar talaga yun! Pati si James tumatawa. Pasalamat siya gwapo siya! Aba, nginitian pa ako ng loko! Nagpapacute?! Hmm… Effective ah!

 

Pagkapasok ko ng room, medyo marami na rin yung nandun.

 

“Oi Trish! Ba’t namumula yang noo mo?”

 

Tinanong ako ni Casey. Sasagot na sana ako per naunahan ako ni Miko.

 

“Eh kasi tatanga-tanga! Nauntog tuloy sa may fire extinguisher! Wahahahahahaha!”

 

“Ewan  ko sayo!”

 

After nun, umupo na ako. Sumakit kasi yung ulo ko. Wala pa naman si Sir. Buti na lang, makakatulog rin ako. Kahit papaano. Yun kasi ang ginagawa ko para mawala yung sakit.

 

Naramdaman ko na lang na may nakatayo na sa harap ko.

Posted by _t1ff4ny_ at 05:36 PM | ideas?

chapter 3

*Trish

*Miko

*James

“Uhmm. Hi. You’re Trish right? Uhmm pwede ba akong makijoin sa inyo? Wala pa kasi akong kakilala dito eh. Mukha ka namang mabait eh.”

 

 

Ano?! Si Mr. Perfect gustong sumama sakin?! Wow! Eto nga siguro ang lucky day ko!

 

 

“Naku pare, mukha lang pero kumakain yan ng tao.”

 

 

Miko!!! Mababatukan na talaga kita! Binabawi ko na ulit! Not my lucky day.

 

 

“Wag kang maniniwala diyan! Sira lang talaga ang tuktok niyan!”

 

 

“Hehe. Joke lang! Mabait yang bestfriend ko. Sama ka na samin. Ako nga pala si Miko.”

 

 

“Salamat huh.” sabay ngiti.

 

 

Matutunaw na ko! Ang gwapo niya talaga! Haaay…

 

 

Pumunta na kami sa canteen. Pinagtitinginan nga kami eh. Siguro dahil kay James. Stand – out eh! Swerte ko talaga kasi I’m with the most handsome guy in the batch!

 

 

Nag-order na kami ng pagkain. Umorder lang ako ng fries kasi busog pa naman ako. Si James naman burger ang kinain tapos si Miko bumili lang ng shake.

 

 

“Himala yan lang ang kinakain mo. Eh talo mo pa ako sa pagkain eh!”

 

 

Yan na naman! Tinira na naman ako ng mokong na to!

 

 

“Hay naku! Tigilan mo ko! Ibubuhos ko yung shake mo sayo eh! James, wag kang maniniwala diyan. Barbero lang yan eh!”

 

 

“Di, ok lang. Nakakaaliw nga kayo eh.”

 

 

Naks. Natutuwa siya samin! Kilig! Hihihi.

 

 

Ayun, tuluy-tuloy na ang kwentuhan. Nalaman namin na varsity player siya before. Kasama siya nung nagchampion ang school nila. And siya pa ang gumawa ng winning shot. Hanep! Tapos may banda siya before. Siya yung vocalist and guitarist. Wow! Ang galing niya!

 

 

“Pare, gusto mong bumuo tayo ng banda?! Marunong akong magdrums.”

 

 

“Best, marunong ka?!”

 

 

“Oo kaya! Nag-aral ako nung summer kaya lagi akong wala sa bahay.”

 

 

“Hmm…pwede rin siguro. Hanap na lang tayo ng bassist o kaya guitarist.”

 

 

Grabe naOP ako dun. Di kasi ako marunong tumugtog ng kahit anong instrument. Frustrated singer lang din ako. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap. Nakikinig lang ako. Parang naeexcite ako para sa kanila. Two of the hottest guys in our batch ang magsasama sa isang banda. Sige na, hot na rin si Miko. Ewan ko ba, maraming nagkakagusto diyan sa hinayupak na bestfriend ko. Wala naman siyang nililigawan. At lalong walang girlfriend. Labo niya.

 

 

RING!!!

 

 

“Tara na! Naadik na kayo sa kakakwento diyan eh!”

Posted by _t1ff4ny_ at 05:28 PM | ideas?
« Newer | »